kaugnay ng mundong ito ang www.luneta.blogdrive.com.
kung bakit ito nabuo ay siya ring dahilang nagpalaboy-laboy ako at huminto sa panibagong espasyo.

halika, maligaw at mawala tayo.












one night i asked the moon,
"why are you as radiant as you are?"
then the moon answered,
"because i want to reflect how beautiful you are."

--luna--














::the lunatic toi::



:: may toio na naman ::


::was born on a full moon, Maundy Thursday::

::has turned 28 on the 8th of April::

::is a product of a Hippie mom and a funny dad who met each other in a disco place::

::whose mother was a die-hard Julie Vega fan while conceiving::

::has 27 letters in her full name::

::whose namesake is the Queen of France, who was guillotined during the French Revolution::

::whose second name means "flourishing and praiseworthy"::

::was a wolf during her past life::

::uses her hands more than anyone else while talking::

::who knows sign language:) - or invents one::

::has a mole in her right foot::

::has no teeth cavities!:)::

::is a spa devotee::

::is a movie addict::

::loves any kind of Sinigang dish (yum)::

::loves isaw::

::loves everything about UP Diliman!::

::is crazy about life::










   


<< December 2011 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31








DUMAAN AKO
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
at makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

MANINGNING MICLAT




















SALAMAT

sa pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/TOILUNA.2007












Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


blogdrive

Friday, December 16, 2011
ang toio at ang tula

Ang tagal ko nang hindi nagsusulat waah J

 

Bukod sa marami akong rason at dahilan kung bakit walang isang patak man lang ng tula ang nanggagaling sa akin, hindi talaga ako magaling humiwalay sa tula.  Hindi talaga ako eksperto sa kung paano magparaya ng akda.  

 

Kadalasan, lalo na noon, mas nakakapagsulat ako kapag malungkot ako.  Ganun naman yata talaga, mas madaldal, tuliro at magulo ang nasasaktang puso.  Kalaunan, lalo na ngayon, hindi naman pangandapatin ng salita ang saya ng damdamin ko.  Ganun naman yata talaga, mas tahimik, mahinahon at payapa ang maligayang puso.  Kahit ano pa mang panahon, mas nakakapagsulat ako ng  tungkol sa akin.  

 

Mahirap naman kasi talagang humiwalay sa tula.

 

Ang tula kasi ang nagsilbing esktensyon ng sarili at ng mundo ko sa mahaba-haba na ring panahon.   Para ko siyang konsensiya, alter ego, the-girl-in-the mirror, guni-guni o kung ano pang pwede mong itawag dun .  Ang tula ang nagsisilbi kong escape goat, nyor-nyor tool, word salad outlet at pwede ring srink.  Ang tula ang aking Hermione bag, ang aking invisibility cloak, ang aking superpower.  Ito ang espasyong pwede kong puntahan kapag gusto kong hanapin ang sarili ko.  Ito ang mundo kong hindi mo makikita rito.

 

Kaya nga, laking pasasalamat ko talaga kay Tina J - dahil sa bukod sa siya na ang humahalinhin sa tula sa lahat ng nabanggit kong bagay, konsepto at ideya sa taas, salamat kay Tina sa pangungulit niya sa aking magsulat muli. J 

 

Oo nga siguro, may punto ako na hindi naman maaalis sa akin ang tula.  May punto ako nung sinabi ko sa kanya na bahagi na ng pagkatao ko ang pagsusulat.  Na ang makata at akda ay kambal ng tadhana.  Na ang isang bagay na likas at mahiwaga ay hinding-hindi maglalaho at mawawala. 

 

Ngunit tama siya na maaari rin maiba ang relasyon ko sa tula.   Na maari ko itong ibahagi at hindi lang angkinin.  Na maaari ko rin itong palawakin, payabungin at palayain.  Tama siya na ang tula at pagsusulat, bahagi man ng mundo at pagkatao ko, ay bahagi rin ng mas malawak na kalahatan at uniberso.

 

 

 

 

 

 

 

 


naisulat noong ika-01:26 am ni toi raquiza

ls
January 27, 2012   03:01 PM PST
 
hoy toi!!!!nagluwal ka na naman ng maiindayog ang taludtod at mga talinghagang nangingibabaw ang damdamin habang taglay ang matalim na pagbubulay :) kaway kaway


Previous Entry