kaugnay ng mundong ito ang www.luneta.blogdrive.com.
kung bakit ito nabuo ay siya ring dahilang nagpalaboy-laboy ako at huminto sa panibagong espasyo.

halika, maligaw at mawala tayo.












one night i asked the moon,
"why are you as radiant as you are?"
then the moon answered,
"because i want to reflect how beautiful you are."

--luna--














::the lunatic toi::



:: may toio na naman ::


::was born on a full moon, Maundy Thursday::

::has turned 28 on the 8th of April::

::is a product of a Hippie mom and a funny dad who met each other in a disco place::

::whose mother was a die-hard Julie Vega fan while conceiving::

::has 27 letters in her full name::

::whose namesake is the Queen of France, who was guillotined during the French Revolution::

::whose second name means "flourishing and praiseworthy"::

::was a wolf during her past life::

::uses her hands more than anyone else while talking::

::who knows sign language:) - or invents one::

::has a mole in her right foot::

::has no teeth cavities!:)::

::is a spa devotee::

::is a movie addict::

::loves any kind of Sinigang dish (yum)::

::loves isaw::

::loves everything about UP Diliman!::

::is crazy about life::










   


<< December 2011 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31








DUMAAN AKO
Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog
Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
at makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

MANINGNING MICLAT




















SALAMAT

sa pagsubaybay at pagbisita.

 

TAE ang mga PIRATA:p

RESPETO LANG, PEACE!

 

@copyright.toiraquiza/TOILUNA.2007












Contact Me

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:


blogdrive

Monday, December 12, 2011
pintig

maririnig at mapapakinggan mo

mula halos sa lahat ng sulok ng mundo

mga awit at tunog ng nagbitak na puso

sumasaliw sa ‘di na mabilang na kwento

 

 

mababasa at sasambitin mo sila

walang humpay na nasusulat sa ilang daang wika

mga tulang umaapaw kasabay ng pagluha

umuulan bawat saglit ng obra at makata

 

 

makikita at masasaksihan mo sila

walang-hanggan ang takbo ng mga eksena

mga istoryang humahabi ng bawa’t-isa

sumasabay sa hiwaga ng buhay at tadhana

 

 

madarama at mararamdaman mo

ano pa man ang paraan, ano pa man ang anyo

o pag-ibig na makapangyarihan, masdan ang ginawa mo -

umiinog ang daigdig sa bawat pintig ng puso.

 

 

nasulat dahil sa paulit-ulit na pakikinig ko sa medley ng Tadhana at Oo ng Up Dharma Down at sa album ni Adele na 21

 

 

 


naisulat noong ika-09:49 pm ni toi raquiza



Previous Entry Next Entry